• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating editor ng Remate, patay matapos barilin sa loob ng pag-aaring salon sa Quezon City

Patay ang dating editor ng pahayagang Remate matapos pagbabarilin sa pagma-may-ari nitong salon sa Barangay  Apolonio Samson sa Quezon City.

 

 

Kinilala ang biktima na si Gwenn Salamida.  Sugatan naman ang kasamahan nito na si Oliver Perona.

 

 

Batay sa report ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang pamamaril bandang 3:30 kaninang noong Lunes, GOOT salon sa Kaingin road Apolonio Samson

 

 

Pinasok umano ng di pa nakikilalang lalaki ang salon para mang holdap. Pero, nanlaban umano ang babae dahilan para barilin  ito ng suspek.

 

 

Tumakas ang salarin matapos ang pamamaril at di pa malinaw kung may nakulimbat na salapi ang suspek.