• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating DICT Undersecretary Dy, tutol kay Sec. Aguda sa Pro-konektadong Pinoy Bill

ISANG mainit na talakayan ang ginanap sa Huntahan Media Forum hosted by Toto Ylagan, August 6, 2025, ito ay hinggil sa ipinasang Konektadong Pinoy Bill, si dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Jeffrey Ian Dy ay naghayag ng kanyang pagtutol kay Secretary Henry Aguda ukol sa nasabing bill.

Bagama’t kinikilala nya ang magandang intension ng panukalang batas, nagbabala ang dating opisyal na ito ay batay sa maling pagkaunawa sa supply chain ng telekomunikasyon at maaaring magdulot ng malubhang panganib sa industriya at sa pambansang seguridad.

Sinabi ni Dy na katatapos lang na ipasa ang Konektadong Pinoy Bill sa BiCam noong Hulyo. Ang Pangulo ay may 30 araw para aksyunan ang batas, at kung hindi ito maaksyonan maaari itong maging batas. Ang Estados Unidos ay may patakaran na hindi payagan ang lahat ng telekomunikasyon na direktang kumonekta sa China, ngunit ang Pilipinas ay walang ganoong patakaran.

“Kung i-veto ng Pangulo ang Konektadong Pinoy Bill, papayagan niya talaga ang interconnection ng mga telecommunications companies, Nakalimutan talaga nila ang aktwal na buong dinamika ng merkado ng mga kumpanya ng telekomunikasyon na maaaring ikompromiso ang pambansang seguridad,” dagdag pa ni Dy.

Binigyang-diin ni Dy na pinipilit ng Section 16 at 22 ng Konektadong Pinoy Bill ang mga telecommunications companies na mag-interconnect o magbahagi ng kanilang imprastraktura. “Maaaring makaapekto ito sa ating internasyonal na relasyon, ilang beses ginamit ang salitang ‘non-discriminatory’ sa buong Konektadong Pinoy Bill,” sabi ni Dy.

“Hindi kami sang-ayon sa pagpirma muna sa Konektadong Pinoy Bill, bago ito maging batas dapat i-veto ito ng Pangulo, bilang halimbawa ang Northern Luzon area, kung saan ang ilang mga local government unit ay kumukontrata sa isang Chinese telecommunications company, na nakapagtatag na ng aktibong 15,000 kilometro ng fiber noong Disyembre 2024, ngunit hindi ito konektado sa national backbone. Ang Konektadong Pinoy Bill ay nagre-regulate ng fixed data, ngunit nalalagay sa alanganin ang satellite data”, dagdag pa ni Dy.

Kung sakaling ang Konektadong Pinoy Bill ay nilagdaan ni Pangulong Marcos bilang batas, maaaring maghain ng petisyon si dating Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban sa Korte Suprema na kumukwestyon sa constitutionality nito.

Sa konklusyon, hinimok ni Dy ang Pangulo na muling suriin ang bill sa kasalukuyang anyo nito, ang Konektadong Pinoy Bill ay hindi sapat na sumasaklaw sa mga kumplikadong usapin at mga alalahanin sa seguridad na bumubuo sa industriya, aniya dapat isagawa ang isang mas komprehensibong pag aaral bago tapusin ang batas na maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa hinaharap ng industriya ng telekomunikasyon sa bansa. (PAUL JOHN REYES)