DATING COMELEC CHAIRMAN, SIXTO BRILLANTES, PUMANAW NA
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
PUMANAW na si dating Commission on Election (Comelec) Chairman Sixt Brillantes.
.
Ayon kay Comelec Spokespeson James Jimenez, pumanaw si Brillantes dakong alas-11:08 ng umaga ngayong Martes, August 11.
Namuno itong Comelec Chair noong Enero 2011 hanggang Pebrero 2015 .
Sa kasagsagan ng pandemiya, si Brillantes ang iniulat na tinamaan ng sakit na COVID-19.
Sa ngayon ay wala nang iba pang detalyeng ibinahagi ni Jimenez ngunit inaasahan maglalabas ang Comelec ng detalye hinggil sa pagpanaw ng dating Comelec Chair.
Napag-alaman na si Brillantes ay magdiriwang ng kanyang kaarawan sa darating na Agosto 14. (GENE ADSUARA)