• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:07 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang gowns ang inirampa sa ‘VIFF’… JANINE, napagkamalang European actress dahil sa kakaibang ganda

FIRST time nakarating sa Venice, Italy si Janine Gutierrez, dumating siya doon ng August 28 at umuwi ng September 4.

 

 

Dumalo si Janine sa 81st Venice International Film Festival para sa pelikula niyang ‘Phantosmia’ ni Lav Diaz na four hours and fifteen minutes ang haba.

 

 

Ano ang feeling habang isa-isang tinatawag ang mga pangalan nila sa red carpet premiere ng pelikula niya?

 

“Sobrang saya,” bulalas ni Janine, “kasi first time ko din naman to have a screening na international yung audience.

 

“So masaya po.

 

“Tapos siguro mga thirty minutes to go sa pelikula merong isang babae na naglapag ng parang note, papel na nakatupi, nilapag niya sa harap ni direk Lav, nakalagay, ‘This was an absolute masterpiece!’

 

“Nilapag niya lang [yung note] during the screening.”

 

Kagulat-gulat ang papel ni Janine sa pelikula; ibinebenta siya ng sarili niyang ina kung kani-kaninong lalaki at sinasaktan siya nito kapag tumatanggi siya.

 

Pero hindi naman nagpaseksi si Janine sa pelikula kahit ganoon ang tema ng pelikula.

 

“Hindi naman po daring, parang wala naman pong pinakitang anything, lahat suggestive.”

 

Ang aktres na si Hazel Orencia ang gumanap na ina ni Janine sa ‘Phantosmia’.

 

Aminado si Janine na pressure ang dumalo sa isang international event na tulad ng VIFF.

 

“Opo kasi siyempre I don’t wanna disappoint tsaka parang feeling ko kami yung Philippine delegation doon, e.

 

“So gusto ko din talaga na ipakita na yung mga fashion designers natin dito sobrang world class.”

 

Dalawang gowns ang isinuot ni Janine sa festival at parehong nag-trending ang mga ito.

 

“Sobrang grateful kasi siyempre yung dalawang designers pumayag na damitan ako doon sa Venice International Film Festival.”

 

Ang black gown ni Janine ay likha ng iconic fashion designer na si Inno Sotto at ang baby blue gown naman niya ay gawa ni Vania Romoff.

 

Ilan sa mga kasama ni Janine sa Venice ay ang producer ng pelikula na si Paul Soriano at misis nitong si Toni Gonzaga at ang beteranong aktor na si Ronnie Lazaro na kasali rin sa pelikula.

 

May kuwento pa nga raw si direk Paul na sa sobrang ganda ni Janine ay napagkamalan itong isang European actress.

 

“Sobrang grateful, sobrang grateful kasi napaka-supportive ng mga kasama ko doon like sina Ms. Toni nga, si direk Paul and si Tito Ronnie, parang happy sila na pini-piktyuran ako sa red carpet.
“Very supportive sila.

 

“And proud to be Filipina yung pakiramdam ko talaga doon kasi makikita mo din doon sa red carpet na merong flag for each country na parte nung Venice Film Festival this year so nagpa-picture talaga ako kasi may flag tayo,” ang nakangiting kuwento pa ni Janine.

 

Pagbalik ni Janine sa Pilipinas ay sumalang na agad siya sa taping ng ‘Lavender Fields’.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)