Dahil sa malawakang korapsyon sa gobyerno: RHIAN, naniniwalang may karapatang magalit ang mga Pinoy
- Published on September 18, 2025
- by @peoplesbalita

After ng presscon ng naturang concert, nakatsikahan namin siya at natanong ang girlfriend ni Sam Verzosa kung may takot ba siyang nararamdaman sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas at maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.
May nangangamba kasi na baka magkaroon din ng mga pag-aaklas o riot sa bansa dahil sa malawakang korapsyon sa gobyerno.
“You know, I still believe that Filipinos are fairly peaceful people,” pananaw ni Rhian.
“Kasi, sa lahat ng mga race, I feel like kung may taong may karapatan magalit for all of these years and for so many reasons, tayo ang may karapatan at tayo ang may dahilan.
“And yet, alam mo yun, we could have had riots every year, di ba? Every year naman tayong binabaha, nakakagalit na talaga.
“But I believe we’re still a very peaceful people. And hopefully we can get through this without anyone getting physically hurt.”
Samantala, excited na nga si Rhian sa kanyang kakantahin sa “That’s Amore, A Night At The Movies”, na isa palang soprano.
Kaabang-abang din ang duet ng RMA‘s founder and Asia’s Jewel na si Jade Riccio at music icon and legendary singer na si Jose Mari Chan.
Anyway, nagbiro si Rhian tungkol sa isyu sa bansa, “kung may mag-i-stampede, puwedeng mag-stampede na lang papasok ng concert! I’m sorry, I don’t want people to feel like I’m making a joke out of it, but I am making a joke!
“Yes, I know that these are very serious topics na we’re facing ng right now. But at the same time, alam mo yon, we also have meme culture.”
Dagdag pa niya, “So please excuse my joke, I just find comedy to be a very healing.
“I think that’s why, di ba, lahat ng nangyayari sa news, may memes na kaagad. Kasi that’s how we heal as people.”
Kasama rin sa “That’s Amore, A Night At The Movies” concert sina Zia Dantes, Tali Sotto, Scarlet Snow Belo, Vivoree Esclito, Maymay Entrata, Ina Raymundo, Pepe Herrera, Renzo Jaworski, Amari Sotto, Jema Galanza Imogen, Rain Celmar, John Arcenas at Michelle Dee.
Bahagi ng kikitain sa concert ay ido-donate sa Autism Society of the Philippines (ASP).
Para sa impormasyon ng tiket at mga presyo, mangyaring bisitahin ang https://www.ticket2me.net/.
Para sa iba pang detalye tungkol sa musical extravaganza na ito, mangyaring makipag-ugnayan kay Ms. Veronica Ramos-Baun sa 0918-8133333 o magpadala sa kanya ng email sa vrbaun@jnbrandingconsultancy.com.
(ROHN ROMULO)