
DAHIL malamang sa kasalan naman hahantong ang relasyon nina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz, matanong ang singer-host kung handa na ba siya maging asawa at ina.
“Ako iyan ang pinagpe-pray ko palagi kay Lord kasi siyempre ako gusto ko din na kapag nangyari iyon gusto ko ay handa talaga ako,” pahayag ni Julie Anne.
Pagpapatuloy pa niya, “But since iyan napag-uusapan naman talaga din namin, and dun din naman kasi papunta iyon, and nasa point na rin kasi ako ng life ko na gusto ko na lang mag-enjoy.
“I wanna enjoy life, I want to focus on my happiness din naman.”
Hindi ba siya natatakot magbuntis dahil baka tumaba o malosyang?
“I think it’s part of ano naman e, being a wife and a mother so ano naman iyon e, parang… lagi ko ngang sinasabi, kasi marami rin akong nakikita or nawi-witness na, ‘O ganitong klase yung life nila after nilang ikasal or like pagka mommies na sila’.
“And ako personally nai-inspire ako, mas nai-inspire ako.
“Si mommy kasi especially nung dalaga siya parang ganito rin kasi yung katawan niya.
“So it’s really, you know, about really taking good care of your body, about your health talaga.”
Samantala, host na si Julie Anne ng ‘The Clash’, at bilang siya rin noong bata ay galing sa isang singing contest, ang Popstar Kids noong 2005, ano ang nararamdaman niya ngayong nakikita niya ang mga Clashers o mga contestants ng The Clash?
“Ako naaano ako, naaalala ko nung bata ako, nagtatakbo ako kasama ng mga kasamahan ko sa Popstar Kids,” at natawa si Julie Anne.
“Naalala ko yung childhood ko kasi nung bata ako, iyon, naging Popstar Kids, alam naman ng lahat na dumaan din talaga ako dun.
“Tapos kahit na sabihing competition iyon, siyempre ine-enjoy na din namin yung youth namin, tapos nagagawa namin yung mga gusto naming gawin like bata kami pero kumakanta kami, sumasayaw kami nagpe-perform kami.”
Ganoon rin daw ang nakikita niya sa mga Clashers ngayon.
“Nakaka-inspire, nakaka-inspire, especially seeing the clashers.
“Witness kami na magkakaibigan itong mga ito, lahat ng dumaan sa The Clash, talagang magkakaibigan na rin sila, parang naging isang pamilya na rin kasi kami.
“Parang, ‘Okay competition ito, pagdating ko sa Clash Arena okay gagawin ko yung best ko pero okay tayo friends naman tayo.'”
Umere ang pilot episode ng The Clash nitong Hunyo 8 kung saan hosts sina Julie Anne at Rayver at mga hurado naman sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas.
Napapanood dito tuwing Linggo, 7:15 pm.
***
HAHARAPIN ng kinatawan ng Pilipinas na si Charyzah Barbara Esparrago ang labingdalawang kandidata mula sa iba’t-ibang bansa sa mundo.
Kabugin kaya ni Charyzah sa ganda, pagrampa na naka-gown at swimsuit, at talino sina Joseline Pando ng Ecuador; Ruth Yirgalem Weldesilasie ng Ethiopia; Shelito Kim Gallego ng Hawaii, USA; Tiffany Fernandes ng India; Gulsiia Aidarovna ng Russia; Olwethi Tembe ng South Africa; Ju Won Bak – South Korea; Maria Leslyn Numilla ng Spain; Joy Mwangi ng USA; Charmyn KC Sierra ng Vietnam; Shanoli Yolada Fernando Wewalage ng Sri Lanka at Favour Felix-Briggs ng Nigeria at koronahan bilang Miss Supermodel Worldwide sa Huwebes, June 26 sa grand ballroom ng Okada Manila?
Sa pamumuno ni Sandeep Kumar na may-ari at Presidente ng Rubaru Group India na siyang founder at International Pageant Director ang Miss Supermodel Worldwide.
Katuwang niya si JJ Maghirang III na siyang International Creative Director ng MSW.
Samantala ang Velvet Media, Inc. ang Philippine Franchise Owner ng MSW.
Binubuo ito nina Jhovs Medico (Managing Partner); Mae Maghirang (National and Finance Director); at Michelle Perez (Operations Director).
ANG Miss Supermodel Worldwide Core Team naman ay binubuo, bukod kina Mr. Kumar at Mr. Maghirang III, nina Reygie Rodriguez (Lead Hair & Make-up Artist); at John Henry Cabezas (Photography and Videography Lead).
Ilan sa mga sponsors at partners ay ang Department of Tourism, SMDC, Okada Manila, at Manila Prince Hotel. Official partners naman ang Philippine Wacoal, S5.Com, SKINdough, at Globaltronics.