• April 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa bagong CLLEX segment, mababawasan ang travel time, rice transport cost – PBBM

SINABI ni Pangulong na ang bagong bukas na segment ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) ay makatutulong na mabawasan ang travel time at mas mapababa ang transport cost ng bigas, mapakikinabangan kapwa ng mga magsasaka at consumers.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pagbubukas ng four-kilometer section ng expressway sa Cabanatuan City, bahagi ng East-West Luzon corridor na mag-uugnay sa Tarlac hanggang Nueva Ecija.

Ayon sa Chief Executive, ang travel time sa pagitan ng Tarlac at Cabanatuan City ay mababawasan kung saan ang dating isang oras at kalahati ay magiging 20 minuto na lamang.

Aniya pa, ang pinaka-maiksing travel time naman ay nangangahulugan na mas mababang fuel consumption sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at makatutulong na mapanatili ang presyo ng mga pangunahing kalakal lalo na ang bigas habang ang Nueva Ecija, kilala bilang “Rice Granary” ng Pilipinas ay nakapagpo-produce ng mayorya ng suplay ng bigas sa bansa.
“Ito ay makakatulong na makabawas sa transport cost at sa pagbawas ng transport cost mananatili ang presyo ng bigas,” ayon sa Pangulo.
Ang bagong road segment, ay inaasahan na makapagsisilbi sa 11,500 mga sasakyan araw-araw, libre ang toll-free hanggang Disyembre upang mahikayat na magamit ang road segment at mapagaan ang trapiko sa kahabaan ng MacArthur Highway.
“The CLLEX expansion is part of the administration’s broader push to open key road networks, improving mobility, reducing logistics costs, and mitigating the impact of rising fuel prices resulting from the Middle East crisis,” ayon sa ulat.
“It complements other recent infrastructure openings, including the CAVITEX-C5 Link Segment 3B and the new NAIA Expressway exit, under the government’s Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) strategy to address ongoing energy and transport challenges,” ayon pa rin sa ulat.
( Daris Jose)