• July 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil nakaka-offend sa legacy ng yumaong lola:  IC, inalmahan ang paggamit ni Sen. ZUBIRI sa pangalan ni ‘Inday Badiday’  (ni: ROHN ROMULO) 

PINAG-USAPAN talaga sa social media ang pagbanggit ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa kilalang Queen of Intrigues na si Inday Badiday sa naganap na mainitang debate sa Senado.

Sa Senate plenary session, halatang na-bad trip ang senador sa ipinakitang video ni Sen. Imee Marcos tungkol sa usapin ng charter change. 

Sa pagdedenay ni Sen. Zubiri sa umano’y pagsusulong ng chacha, sinabi niya na puno ito ng intriga, “Inday Badiday na ba tayo rito sa Senado?

“Kaya nga sinasabi, we’re circus! I apologize to those who are watching.  They think we’re circus…”

Bagay na inalmahan at hindi talaga pinalampas ni IC Mendoza at pamamagitan ng Facebook ay nag-post siya ng mensahe upang i-call out ang senador sa paggamit sa pangalan ng kanyang yumaong lola, 22 taon na ang nakalilipas.

“Dear Senator Migz Zubiri

“Please do not disrespect the legacy of my late mommy Luds. She was more than showbiz chika and intrigues. 

“She helped shape local pop culture and the entertainment journalism landscape of her time, and her work influenced conversations around media and entertainment for generations.

“Reducing her name and legacy to describe the ‘circus’ happening in the Senate is offensive

“Ang tagal nang patay ng lola ko. Please leave her out of your political commentaries and analogies,” ang buong pahayag ni IC.