• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:20 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil naglabas na ng ‘gag order’ para sa lahat: DARRYL, huling pagkakataon na magsasalita tungkol sa kaso

ANG kontrobersiyal na film director Darryl Yap mismo ang nagbalita tungkol sa sinasabing may gag order na sila.
Ito ay hinggil sa kasong isinampa laban sa Kanya ng sikat na TV host na si Vic Sotto.
Inilabas ‘yun ni Darryl sa kanyang social media post na  hindi na pwedeng magsalita o magbigay ng mga komento at kung anu-ano pa kaugnay sa kontrobersiya ni Pepsi Paloma.
Ayon sa sinasabing last post na raw niya, “Posting the latest Order in my case.
“For the information of the public.
“I am enjoined from making any further comment.
“Narito po ang pinakabagong tugon sa reklamo laban sa Inyong Lingkod.
“1. Nagkakamali ang Divina Law (ang abogado ng kabila) na may order na ang husgado na i-takedown ang aking promo materials para sa #TROPP #TROPP2025
The Rapists of #PepsiPaloma. Wala pong takedown order.
“2. Ang hearing ay moved na sa Jan. 17.
Hintayin ng husgado ang kanilang sagot sa aking Motion for Consolidation
“3. Meron na pong GAG ORDER sa lahat, di na kami pwede magpahayag tungkol sa merito ng kaso, para di magkaroon ng kaguluhan sa pag-iisip ng tao.
“Ito na po ang huling pagkakataon na magsasalita ako patungkol sa kaso at naway malinaw po ito sa lahat ng sumusubaybay.”
Ang lahat ng involved  sa kasong cyber libel na isinampa ni Vic Sotto laban sa filmmaker ay inutusan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 na huwag magsasalita o talakayin ang mga paglilitis sa kaso at anumang kaugnay na usapin.
(JIMI C. ESCALA)