Dahil nagkaroon ng family emergency si Direk Dom: DINGDONG, muling nakapag-direk sa pinagbibidahang ‘Royal Blood’
- Published on September 11, 2023
- by @peoplesbalita
THE long wait is over dahil mamayang gabi, muling masasaksihan angpagbabalik ng loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco para sa action-packed series na “Maging Sino Ka Man.”
Muling matutunghayan ang husay ni Kapuso Primetime Princess at ang Pambansang Ginoo as they explore action adventures and romantic moments sa pagganap nila sa iconic roles ng TV adaptation ng dating pelikula bilang sina Monique at Carding, isang tagapagmana ng business empire at ng isang tinaguriang magnanakaw pero may alagang mga batang ulila.
Catch the world premiere of “Maging Sino Ka Man,” sa direksyon ni Enzo Williams, mamaya at 8:00 p.m. sa GMA Telebabad at sa GTV AT 9:40 p.m.
***
KABABALIK pa lamang ni Julie Anne San Jose, mula sa Canada for a series of shows (nauna ngang umuwi ang boyfriend niyang si Rayver Cruz dahil may sinimulan na itong bagong afternoon prime series sa GMA-7.)
Pero muli silang aalis for a two-day show sa Israel.
Dream come true pala kay Julie Anne na ang show nila ni Rayver ay magaganap sa Israel dahil nasa bucket list daw niya ang makabisita sa Holy Land.
Wala pa lamang sinabing exact date si Julie kung kailan ang show nila ni Rayver.
Tiyak na tatapusin muna niya ang taping ng kanyang show na “The Voice Generations” na napapanood every Sunday, 7:00 p.m. sa GMA 7 pagkatapos ng “BBLG.”
***
BALIK-TV directing pala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na ibinahagi sa kanyang Instagram: “After a long hiatus, I found myself back in the director’s chair, taking the reins for “Royal Blood.”
Ayon kay Dingdong, ang ‘Royal Blood’ director nilang si Dominic Zapata, ay hindi lamang isa sa mga una niyang mentors sa TV industry, siya rin ang una niyang director sa GMA’s “TGIS” 25 years ago, ay nagkaroon ng family emergency, kaya siya muna ang pumalit dito.
Inalaala rin ni Dingdong na hindi lamang una niyang director si Direk Dom, but his first teacher din sa acting, bago pa siya pormal na mag-aral ng tungkol sa directing sa college.
Ngayon nga raw, patuloy pa rin siyang ginagabayan at dinidirek ni Direk Dom na itinuturing niyang hindi lamang teacher but ‘tatay’ na rin niya sa industry sa iba’t ibang paraan.
Nagsama rin si Dingdong sa IG ng ilang behind-the-scenes nang dinirek niya sa “Royal Blood,” na nasa last two weeks na lamang, na napapanood gabi-gabi at 8:50 p.m., pagkatapos ng “Maging Sino Ka Man.”
(NORA V. CALDERON)