• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:51 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil magpo-forty na sa February 14: HEART, ramdam na ang pagod at maghihigpit na sa paggastos

SA latest episode ng “Heart World” na ipinabas nung Sabado, Enero 18, ibinulgar ng Kapuso actress na si Heart  Evangelista na minsan na raw siyang hinimatay sa isang event na dinaluhan niya.
“Hinimatay na ‘ko sa Fashion Week kasi alam ko na nagsa-suffer na ‘yong health ko over and beyond just to get the bag, just to get the jacket.
“These ridiculous things na ginagamit ko naman sa trabaho ko but I will not use that anymore to justify,” pahayag ng aktres.
Ayon pa kay Heart ay nangako na lang siya sa sarili na pagtuntong niya sa edad na 40 sa darating Pebrero 14 ay maghihigpit na raw siya sa paggastos ng pera.
“I know how it feels na magtrabaho, kumayod talaga dahil gusto ko nito kasi I’m lucky, privileged ako na ‘di naman ako naging breadwinner in a sense sa pamilya ko.
“Pero, ibig sabihin, lahat ng mayroon ako, lahat ng suot ko, pinagtrabahuhan ko, as in talagang pinagpuyatan ko, talagang pinilit ko ‘yan para mabili lahat ng meron ako,” pagmamalaki pa niya.
Pero banggit pa ng aktres, ngayon daw na nagkaka-edad na siya, medyo nakararamdam na raw siya ng pagod.
“Iba na talaga ‘yong dating sa ‘kin, kahit Fashion Week.
“I will review talaga, hihigpitan ko ‘yong belt ko kapag gumagastos ako,” lahad pa rin ng asawa ni Senate President Chiz Escudero.
***
NAGKATSIKAHAN sina Star for All Seasons Vilma Santos at Senator Bong Revilla sa 50th birthday and Tapatan 50 book launching ni Anthony Taberna.
Matagal-tagal ding hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa sa malaking pangalan sa industriya.
Kabilang sina Ate Vi at Bong Revilla sa 50 personalities na featured sa libro ng broadcast journalist na mas kilalang si Ka Tunying.
Marami ang nagsasabing maaring magkakampi at pwede rin naman daw magkatapatan bilang bise presidente sina Vilma at Bong sa 2028 elections.
Pero para kay  Ate Vi ay wala raw sa mga plano niya na tumakbo sa mas mataas na posisyon na kahit marami ang nagsasabi na mas bagay siya sa mas mataas na position kaysa gobernador.
Kahit nga raw ang pagtakbo muli bilang gobernador sa Batangas ay hindi raw siya nagpa-plano.
“Again I don’t want to plan things. With due respect walang mga plano. Hindi po madali. Hindi madali akala ninyo ba? Even itong foreign issues natin ngayon – ganyan kadali ‘yan? China? How to handle? Hindi po ganon kadali po ‘yan,”  banggit pa ni Ate Vi.
Dagdag pa ng multi0awarded actress na isa raw sa natutunan niya sa pagseserbisyo ay non-stop ito.
“Hindi pwedeng, ‘Ah, nagawa ko na ‘yan, tapos na.’ Walang katapusan. Non-stop learning and giving solutions, So, ang ang pinaka-importante lang is ‘yung effectiveness.” lahad pa ng original grand slam actress.
Anyway, back kina Sen. Bong at Gob. Vilma ay may nakapagbulong sa amin na may nilulutong proyekto para sa dalawa.
Pwede raw pang telebisyon o pang pelikula.
(JIMI C. ESCALA)