• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, patuloy na nakikipag-usap sa mas maraming LGUs para sa ‘nationwide’ NFA rice sale

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Agriculture (DA) sa ilang piling local government units (LGUs) para sa pagbebenta ng National Food Authority (NFA) rice sa buong bansa.

Ang pagbebenta ng NFA rice sa LGUs, sa mga ahensiya ng gobyerno at government-owned-and-controlled corporations ay nagkakahalaga ng P36/kg., kabilang na ang bagong giling o iyong hindi pa tumatandang bigas, ay pinahihintulutan sa ilalim ng ‘food security emergency for rice ‘na hindi pa idinedeklara.

“Basically, nationwide ito pero kung saan malapit ‘yungstocks…Mangyayari diyan is iyong guidelines na labas namin by the end of the month. So it will take time for them to really look at it,” ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sinabi pa nito na ang inisyal na pagkilos ay naglalayon na bawasan ang mga gastos sa kargamento o logistik at panatilihin ang ‘affordable level’ ng NFA rice para sa mga consumer.

“We cannot give all municipalities or LGUs or cities. Ang diskarte for minimal friction cost is kung ano pinakamalapit sa stocks,iyon ang bibigyan ng mga allocation,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

 

 

Sa ilalim ng ‘food security emergency for rice,’ maaaring magbenta ang DA ng NFA rice sa LGUs at iba pang government bodies simula Pebrero 11, na maaaring ibenta sa mga consumer sa halagang P38/kg.

“They can book already. Then maybe the delivery is maybe February 7 to 15,” ang winika pa rin ni Tiu Laurel,. tinukoy ang transmittal of letters mula sa NFA upang piliin ang mga LGU para matukoy ang kanilang layunin at kailangang volume allocation.

 

 

Nauna rito, nakipagpulong ang DA sa mga Metro Manila mayor para tiyakin ang availability ng NFA rice sa rehiyon.

Para sa inisyal na monthly target, may 9,000 bags ng NFA rice ang ilalaan para sa 17 lungsod at munisipalidad sa National Capital Region; at 3,000 bags sa Calamba, Laguna.

Kabilang naman sa iba pang lugar na mayroong mataas na NFA stocks ay ang Calapan City sa Oriental Mindoro at San Jose sa Occidental Mindoro.

 

 

“It will be foolish for us to mill it and send it to Luzon or Mindanao for additional freight costs. So,kung kaya lang ma-consumeiyonwithin Mindoro, thensubukan ubusin iyon,” ayon kay Tiu Laurel.

Sinabi pa rin nito na ang maaaring mag-suplay ang Mindoro ng NFA rice sa Cebu.

Sa ngayon, may 300,000 metric tons (MT) ng NFA rice stocks ang maaaring ibenta sa ilalim ng ‘food security emergency for rice.’

 

 

Gayunman, wala pa ring natatanggap ang DA ng kopya ng resolusyon mula sa National Price Coordinating Council para sa deklarasyon.

“The draft has been given and they’re finalizing or have finalized already and I’m actually assuming that it is already going around for signature,” ang pahayag ni Tiu Laurel.

Maliban sa gawing available ang murang NFA rice sa publiko, “the said declaration will also enable NFA to free up warehouse spaces and support local farmers through palay (unhusked rice) procurement for the upcoming harvest season.” ayon pa rin kay Tiu Laurel. (Daris Jose)