• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:03 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

 DA, nakikitang mananatiling matatag ang presyo ng bigas sa kabila ng import ban

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na mananatiling nasa “controlled levels” o mas bumaba pa ang presyo ng retail rice sa panahon ng “ber” months sa kabila ng ipinatutupad na 60-day rice import ban na naging epektibo nitong Setyembre 1.
Winika ni Agriculture spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa na ang pansamantalang pagpapatigil ay hindi nagresulta ng anumang pagsipa sa market prices.
“Ang maganda rito, despite ‘yung import ban itong first two weeks, we’re not seeing a spike sa prices ng rice. It’s a very good indication,” ang sinabi ni De Mesa sa isang panayam.
Aniya pa, posible na mas bumaba pa ang retail prices, suportado ang pagtataya ng Philippine Statistics Authority’s (PSA) na deplasyon para sa bigas sa mga susunod na buwan.
“Possible iyon talaga plus ‘yung continuous effort of the department to promote the Rice for All plus and P20, you can really expect the prices to continue to go down,” aniya pa rin.
Sa kabila ng import ban, ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa 5% na broken imported rice ay nananatili sa P43 per kg.
“As of Sept. 10, the prices of premium imported rice in Metro Manila range from P42 to P52 per kg., while local premium rice is priced between P42 and P60 per kg., ” ayon sa Bantay Presyo ng DA.
Ang presyo ng imported ay mula P40 hanggang P50 per kg., habang ang local well-milled rice ay P38 hanggang P52 per kg.
Samantala, itinuturong dahilan ni De Mesa ang ‘rice deflation’ sa paglakas ng ani ng local palay (unhusked rice) at matatag na rice stock inventory sa bansa.
“The country’s rice inventory stood at 2.32 million MT in August, the highest for the month in a decade,” ang makikita sa data ng PSA.
Tinukoy pa rin ni De Mesa ang record ng pag-ani sa mga pangunahing rice-producing countries at mas mababang international rice prices bilang karagdagang dahilan na sumusuporta sa price stability.
( Daris Jose)