• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:25 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, gustong makausap ang DPWH hinggil pag-upgrade sa farm-to-market roads, bridges’

GUSTO ng  Department of Agriculture (DA) na makausap ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matiyak ang maayos na daloy ng agricultural goods at mas mababang  transport costs sa pamamagitan ng  pagpapabuti at pagsasaayos ng imprastraktura.

 

Sinabi  ng DA na ang planong pagpupulong ay naglalayong tukuyin ang mahahalagang lugar para sa pag-upgrade ng mga tulay at lansangan lalo na sa mga pangunahing agricultural regions.

 

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pagsasa-ayos sa mga lansangan at tulay ay magpapatatag sa  retail food prices, maaaring makapagpababa sa transportation costs, mabawasan ang spoilage at mapabilis ang paghahatid ng   agricultural  goods.

 

“Agriculture relies heavily on logistics, and transport infrastructure directly affects the cost and efficiency of moving farm inputs and produce,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

 

“Better infrastructure enables a more efficient supply chain, reducing costs from farm to market,” aniya pa rin

 

Tinuran pa ng DA na ang usapin ay mahalaga  sa rice sector, gaya ng  transport costs sa  Thailand at Vietnam, kabilang sa mga leading sources ng bansa ng imported rice, ay mas mababa dahil sa mas maayos na road conditions.

 

Sinabi pa ni Tiu Laurel na ang mga  truck kapuwa sa Southeast Asian countries ay may kakayahan na mag- transport ng  8  hanggang 10 tonelada ng mas mahigit sa  41-tonelada na limitado sa bansa.

 

“Various costs are taken into account in producing agricultural products, such as farm inputs (seeds, fertilizers, feeds, etc.), fuel and oil, irrigation fees, electricity prices, labor and transport,” ayon sa ulat.

 

Sinabi pa ng DA, ang mga lansangan  at tulay na napinsala dahil sa ginagawa ng maraming filipinong magsasaka at mangangalakal  na pago-overload ng kanilang trucks para makatipid ng halaga.

 

Sa kabila ng regular na bridge inspections at load rating updates na minandato ng DPWH, sinabi ng ahensiya na may ilang tulay, bagama’t itinuturing para sa specific loads, ay itinutulak ng lampas sa kanilang limits bunsod ng excessive overloading.

 

“The practice of truckers of loading their vehicles with various even beyond prescribed limits has led to the collapse of several bridges across Luzon and the Visayas in recent years,” ayon sa DA.

 

Binigyang diin pa rin ng DA na ” that such problems will persist if inadequate road networks and overloading issues will not be addressed.”

 

“The importance of a strong road and bridge network in agriculture, especially in an archipelago like the Philippines, cannot be overstated,” ang sinabi pa rin ni Tiu Laurel. (Daris Jose)