Curling team ng bansa makakaharap ang Chinese Taipei para sa semifinals qualifiers ng Asian Winter Games
- Published on February 8, 2025
- by Peoples Balita
NANINIWALA ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakapasok sa semifinal round ng curling mixed doubles ang pambato ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 2025 Asian Winter Games sa Harbin, China.
Matapos kasi na talunin ng curling team na sina Kathleen Dubberstein at Marc Pfister ang Kazakhstan 11-2 nitong Huebes ay pasok na sila sa semis qualifiers.
Makakaharap ng Pilipinas ang curling team na mula sa Chinese Taipei ngayong araw ng Biyernes.
Nasa pangalawang puwesto ang Pilipinas sa Group B na mayroong apat na panalo at isang talo habang ang China ay nasa unang puwesto na mayroong limang panalo at wala pang talo.