Crime rate sa ‘Pinas bumaba ng 16.5 percent – PNP
- Published on September 3, 2025
- by @peoplesbalita

Sa datos ni PNP Public Information Chief Brig. Gen. Randulf Tuaño, nakasaad na mula sa 26,969 focus crimes noong nakaraang taon, bumaba ito sa 22,519 ngayong taon.
Kabilang sa mga focus crimes ang murder, homicide, rape, physical injury, carnapping, at theft.
Ani Tuaño, indikasyon lamang na patuloy na pinaiigting ng PNP ang kampanya laban sa iba’t ibang krimen sa bansa kabilang na ang police visibility at 5-minute response timepartikular ngayong pagpasok ng “ber” months.
Nilinaw ni Tuaño na taliwas ito sa pahayag ng Chinese embassy na lumalala ang kaso sa bansa kung saan target ang mga Chinese nationals.
Inatasan naman ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang Directorate for Intelligence na makipag-ugnayan sa Chinese Embassy upang malaman ang kanilang mga reklamo at nalalamang kaso na kinasasangkutan ng kanilang mga kababayan.