• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crime rate sa NCR, bahagyang tumaas kasunod ng alert level 1 implementation

BAHAGYANG tumaas ang crime rate sa National Capital Region (NCR).

 

 

Hindi naman itinatanggi ng National Capital Region police office (NCRPO) na bahagyang tumaas ang crime incident sa Metro Manila simula nang ipatupad ang Alert Level 1.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NCRPO PLT Col. Jenny Tecson, na kalimitan sa mga insidente na kanilang naitatala ay iyong mga nangyayari sa loob ng mga establisimyento o mga malls.

 

 

Subalit, hindi aniya ito kontrolado ng mga pulis lalo pa’t may mga guwardya na talagang naka-deploy sa mga commercial establishments na ito.

 

 

Magkagayon man, sinabi ni Tecson, may mga additional personnel na silang idineploy upang matiyak na mapipiglan ang pagtaas pa ng crime rate sa kalakhang Maynila.