• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:53 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crime rate bumaba ng 73.76%

BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na lamang ito noong 2021.

 

 

Sinabi ni Año na ito’y bunga na rin ng mga episyenteng programa ng administrasyong Duterte laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

 

 

Tinukoy ng kalihim ang crime index bilang lawbreaking offenses na ikinukonsidera bilang ‘serious in nature’ gaya ng murder, homicide, rape, robbery, carnapping, physical injuries at walong iba pang special complex crimes, bilang halimbawa.

 

 

Anang DILG chief, kumpara sa 374,277 crime incidents noong 2020, ang numero ay bumaba sa 360,573 noong 2021 o 3.66% pagbaba.

 

 

Pagdating sa peace and order, mayroon ding malaking pagbaba sa index crimes at non-index crimes na mula 377,766 incidents noong 2016 ay naging 211,237 noong 2021.

 

 

Binigyang-diin ni Año na nangangahulugan ito na nararamdaman ng publiko ang pagganda ng peace and order situation ngayon, dahil mas naging kumpiyansa na sila sa kakayahan ng pamahalaan na protektahan sila laban sa mga lawless elements.