COVID increase projection dahil sa nagdaang eleksyon, ngayong linggo inaasahan- Dr . Solante
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHANG ngayong linggong ang simula ng projection na ginawa ng mga eksperto patungkol sa posibleng pagsipa ng kaso ng COVID 19.
Sinasabing, ito na kasi ang ikalawang linggo o eksaktong 14 na araw makaraang idaos ang national elections kung saan ay nagsipagdagsaan ang may higit 60 na milyong mga botante sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Infectious Disease expert Dr Rontgene Solante, hindi lamang nila titingnan ang uptick o pagtaas na maaaring manggaling sa nagdaang halalan dalawang linggo na ang nakakaraan.
Aniya pa, isa pa nilang babantayan ay ang kasong maitala na may konektado naman sa pagpasok ng sublineage na BA.2.12.1.
Ani Solante, Mayo hanggang Hunyo ang kanilang gagawing mahigpit na pagmomonitor at kanilang itinuturing na kritikal itong yugtong ito.
“Ang tinitingnan natin dito ay iyong uptick ng cases ay beginning of second week after the election ‘no, especially iyong pagpasok ng sublineage na BA.2.12.1,” ayon kay Solante.
“And then onward, until June iyan – May up to June, kung mayroong pagtataas ng kaso. [Garbled] critical of this month na if there is a community transmission, then malalaman natin, tataas ang mga kaso because of the highly transmissible sublineage na BA.2.12.1,” dagdag na pahayag ni Solante. (Daris Jose)