COVID-19 cases sa Pilipinas gumagapang palapit ng 980,000
- Published on April 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,719 bagong infection ng coronavirus disease Biyernes, kung kaya nasa 979,740 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.
Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:
- lahat ng kaso: 979,740
- nagpapagaling pa: 102,799, o 10.5% ng total infections
- bagong recover: 13,812, dahilan para maging 860,412 na lahat ng gumagaling
- kamamatay lang: 159, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 16,529