CONTRACTOR, PINAKAKASUHAN NI YORME SA ILLEGAL DEMOLITION
- Published on August 28, 2025
- by @peoplesbalita
SASAMPAHAN ng kasong kriminal ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang isang construction company dahil sa “illegal” na demolition ng Rizal Avenue Sports Athletics Complex (RASAC) covered court sa Sta.Cruz. Manila.
Isasampa ang kaso sa City Prosecutor’s Office Miyerkules ng hapon laban sa general manager ng Jelsie Construction and Supply na si Jesse Rmahusay kabilang ang Special Cases of Malicioums Mischief sa ilalim ng Article 328 ng Revised Penal Code sa pamamagitan ng City General Services Office (CGSO).
‘Unlawful demolition and construction without necessary permit ‘ dahil sa paglalabag ng National Building Code of the Philippines. Ito ay isasampa ng City Department of Engineering and Public Works ( DEPW )
‘ Unauthorized taking of Government Facility’ dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10344 o ang “Risk Reduction and Preparedness Equipment Protection Act,” na isasampa naman ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO)
Sa karagdagang pagsusuri ng Department of Public Works and Highways (DPWH) North Manila District Engineering Office, nagsiwalat na ang proyekto ay P145.5 milyon
“Multi-Purpose Building, Sentro Komunidad de Santa Cruz, Manila (Phase 1),” na iginawad sa Jelsie Construction sa pamamagitan ng Notice of Award na may petsang May 22, 2025.
Nilagdaan ang contract agreement makalipas ang isang araw , May 23 na sinundan ng ‘notice to proceed ‘ noong May 26.
Sa datos mula sa tanggapan ng City Accountant, sinabi ni Domagoso na ang na-demolish na ari-arian ay may net book value na ₱10.4 milyon noong 2025.
Ipinakita rin sa mga rekord na nakuha ng Jelsie Construction and Supply, Inc. ang higit sa P1.43 bilyong halaga ng mga proyekto sa flood control sa Lungsod ng Maynila, ayon sa datos mula sa website ng “Sumbong sa Pangulo” ng gobyerno.
Ang contractor ay mayroon ding mga proyekto sa lahat ng anim na distrito ng Maynila, na nagraranggo bilang pangalawang pinakamalaking flood control contractor sa lungsod.
Ayon kay Domagoso, ang demolition sa RASAC site ay walang koordinasyon sa Manila City Hall at wala ring mga kaukulang permit o clearance.
Dagdag pa ng alkalde, maraming nakuhang kontrata ang nasabing kumpanya kabilang na sa flood control project na aniya ay hindi naman epektibo.(Gene Adsuara)