• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Constitution, hindi survey, ang dapat magsilbing guide sa VP Sara impeachment trial

INIHAYAG ni House prosecutor Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na dapat ituloy ng Senado ang impeachment trial ni VP Sara Duterte, dahil ang proseso ay isang constitutional duty na hindi dapat maapektuhan ng public opinion.

“Well, I have said this earlier, regardless of the result of the survey, we have a constitutional duty that we really have to face. There is nothing which is more supreme than the Philippine Constitution. Sapagkat ito ang mandato ng taong bayan,” ani Luistro.

Anuman ang naging resulta ng survey, mataas man ang porsyento ng sumusuporta sa impeachment o mababa ay mandatoryo para sa kanila na ituloy ang pagsasagawa ng trial.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin lumabas na pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey kung saan 59% ng mga Filipino respondents ang boto sa impeachment complaint laban kay Duterte.

Sa mga na-survey, 42% ay hindi pabor sa complaint, 32% ang pabor at 18% ang undecided. Habang ang natitirang 7% ay nagsabing walang sapat na kaalaman sa para magbigay ng opinyon.

Lumitaw din sa June 25 to 29 survey na 44% ng respondents ang naniniwala na ang Senado, bilang impeachment court, ay sinasadyang dini-delay ang trial. Nasa 25% naman ang hindi niniwala dito at 22% ang undecided, at 9% ang ‘lacked sufficient knowledge to answer.’

Sinabi ni Duterte na ang impeachment complaint ay isang political persecution at harassment. Hinahanda na aniya ng kanyang legal team ang solidong argumento para maipabasura ang kaso.

Kontra naman si Luistro sa pahayag ni Duterte na nagsabing ang proseso ay dapat husgahan sa pamamagitan ng lakas ng ebidensiya at hindi political rhetoric.

“Kung walang ebidensiya, that is political prosecution. Pero kung may ebidensya, that is a legitimate prosecution. As far as we are concerned, we have ample and strong evidence supporting the seven Articles of Impeachment,”ani Luistro.

(Vina de Guzman)