• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 5:18 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Consistent sila ni Rambo sa pagprotekta sa anak: MAJA, ramdam na in-love kay baby MARIA kahit dumaan sa postpartum depression

IN fairness kay Maja Salvador, kahit wala pang isang taon simula nang ipanganak niya ang baby nila ng asawang si Rambo Nuñez na si Maria, ang sexy na!

 

Kasabay ng launching ng kanyang line of body products, ang Majeskin Calming Body Lotion, Majeskin Calming Body Scrub at Majeskin Calming Body Wash, parang soft launch din ng kanyang new look at ng kanyang balik alindog.

 

“Siyempre kasi majeskin, skin—so, kailangan niyong makita na I’m very confident sa sarili ko. I’m very confident sa sarili kong skin even after giving birth. Parang yun ang message, ‘the new Maja and mas confident sa kanyang skin.”

 

Inaamin naman ni Maja na malaking tulong din daw sa pagpapayat niya sina Dr. Aivee na kulang na lang daw, araw-arawin niya ang mga machine sa clinic.  

Sa loob ng limang buwan, nakapag-lose si Maja ng 12 pounds. Pero goal daw niyang ma-achieve yung weight niya noong ikinasal siya, 110 pounds daw siya noon habang nasa 124 pounds pa siya ngayon.

 

Sa isang banda, kitang-kita namin kay Maja kung gaano siya ka-in-love sa baby nila ni Rambo na si Maria. Dumaan sa postpartum depression si Maja at malaking bagay sa kanya ang suporta ng pamilya at mister niya. 

 

Pero tingin namin, yung love ni Maja sa kanilang anak ang talagang nakapagpatibay sa kanya na mapaglabanan ang depression.  Very proud nga ito na magkuwento ng mga milestones ng anak. Tulad na lang sa kahit nine months pa lang daw ito, nakakapaglakad na.

 

Consistent naman sina Maja at Rambo na it’s up to their daughter kung gusto nitong makita sa social media. Kaya hangga’t mapoprotektahan, hindi talaga nila gagawan ng face reveal ang anak.

 

“Gusto namin ibigay ang freedom kay Maria kung paano niya gustong makilala siya. Siyempre, pinoprotektahan namin siya,” sey ni Maja.

 

Naa-appreciate naman daw nila na kapag nasa public places sila at may nakakakuha ng picture ng anak nila, napapakiusapan nila na ‘wag na lang ikalat o i-post.

 

“Siya talaga, halimbawa kung six or seven siya at sinabi niya na, ‘Mama, I want to have my own Tiktok.’ Eh, gusto niya or halimbawa, may show ako at sinabi niya na, “Mama, I want to dance with you.'”

 

Dahil sa Canada ipinanganak si Maria, dual citizen na raw ito. Sinigurado raw nila na dual talaga ang nationality ng anak.

 

At sa huli, kinumpirma nga ni Maja na ang Majeskin products ay hindi under Beautéderm. Pero kung sa huli ay isa siya sa mga ambassador, this time, business partner naman sila ni Ms. Rhea Anicoche-Tan.

 

“Sinabi naman ni Manang kanina na hindi siya Beautéderm. It’s a new company, Reigning Majesty. Nakakatuwa lang na si Manang is very supportive.

“Kaya totoo rin naman yung sinabi ng puso ko kanina na mas meaningful itong journey na ito sa amin. Itong passion project na ito ay kasama namin siya.”

 

***

 

SADYANG may mga makikitid ang kaisipan sa social media.  

May mga nababasa kaming bina-bash si Nadine Lustre dahil sa ginawa niyang pagpa-file ng complaints regarding Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313 o kilala rin bilang Bawal Bastos Law.

 

May comment na, “Ikaw pa talaga ang nag-complaint niyan e, ang hilig mo namang maghubad kahit sa mga post mo. Mas kapani-paniwala pa kung si Sarah ang naghain ng complaint.”

 

Nakalimutan yata nito na kahit anong suot pa ng isang indibidwal, lalo na sa part ni Nadine na isang artista at kadalasan, bahagi ng pictorial niya ang mga sexy photos niya, nakapaloob sa batas na ‘yon ang protection sa bawat individual  laban sa gender-based sexual harassment tulad sa publikong lugar, school, work place at online platforms.

 

Suportado si Nadine ng dating Senator Leila de Lima at ng kanyang Partylist na ML.  At saludo ito sa tapang na ipinapakita ng actress.

 

Actually, katulad ng ibang netizens na napahanga sa ginawa,

 ever since naman, bilib kami kay Nadine na talagang magsasalita, gagamitin ang kanyang boses at ang kanyang platform para magpahayag ng kanyang saloobin mapa-socio, civic o pulitika man ‘yan.

 

(ROSE GARCIA)