Cong. Tiangco, rumesbak sa pasaring ni Abante
- Published on January 29, 2026
- by @peoplesbalita
BUMUWELTA si Navotas City Representative Toby Tiangco matapos ang naging pasaring na pahayag sa kanya ni Congressman Benny Abante.
“Obvious naman na attack crocodile ni Martin Romualdez si Benny Abante and it’s my pleasure and honor to be criticized by those protecting, defending and praising Martin Romualdez,” pahayag ni Tiangco.
“Pilit nating binubuhay ang isyu dahil hanggang ngayon wala pang big fish na napapanagot pagdating sa mga bogus na flood control projects at maanomalyang insertions na nangyari sa 2025 budget,” dagdag niya.
Nauna rito, pinasaringan ni Abante si Cong. Tiangco. “Gusto mo bang ikaw na ang susunod na meow-meow?”
“Kung may ebidensiya, ilabas. Kung wala, tigilan na ang paninira at ang paghahasik ng pagkakawatak-watak. Paulit-ulit siya, parang sirang plaka,” dagdag niya. (Richard Mesa)