Cong. Galang, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Valenzuela
- Published on September 25, 2026
- by Francis Paolo Torres
KAAGAD binisita ni Valenzuela 2nd District Congressman Gerald Galang ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City upang personal na kamustahin ang kalagayan ng mga ito at maghatid ng tulong sa kanila. Aniya, hindi man nito mapapalitan ang mga nawala, sana ay magsilbi itong kaunting suporta sa panahong higit nila ang kailangan ng karamay. Kasama aniya sila sa kanilang pagsisimula muli at ipagdasal din niya ang kaligtasan at pagbangon ng bawat pamilyang naapektuhan ng sunog.
(Richard Mesa)