• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cong. Erice, namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Caloocan

NAMAHAGI ng food packs at hygiene kits si Congressman Egay Erice sa 65 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. 70, Caloocan City para magsilbing liwanag at pag-asa sa kanilang muling pagbangon. Ani Cong. Egay, makatatanggap din sila ng ₱5,000 financial assistance mula sa DSWD at TUPAD mula sa DOLE kung kaya aabot sa kabuuan ₱11,000 halaga ng tulong ang matatanggap ng bawat pamilya. (Richard Mesa)