• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMMUNITY QUARANTINE IPATUTUPAD SA BUONG METRO MANILA

INIANUNSYO kagabi , Marso 12 ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinaas na sa Code Red Sub-Level 2 ang Code Alert System sa buong bansa kaugnay sa COVID-19.

 

Sa kanyang public address matapos ang Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa MalacaƱang, inaprubahan at binasa ng Pangulo ang reso-lusyon na community quarantine sa buong Metro Manila para sa pagkontrol ng virus.

 

Suspendido ang land, domestic air, and domestic sea travel papasok at palabas ng Metro Manila mula March 15, 2020 hanggang April 14, 2020.

 

Ang trabaho sa Executive Branch ay suspendido rin pero kinakailangang may skeletal force na magbibigay pa rin ng serbisyo habang hinihikayat din ang pribadong sektor na magkaroon ng flexible work arrangements.

 

Pinalawig din hanggang April 22 ang suspensyon ng klase sa lahat ng level sa Metro Manila.

 

Magpapatuloy naman ang operasyon ng LRT, MRT at PNR basta magkaroon ang Department of Transportation (DOTr) ng guidelines sa social distancing sa loob ng mga nasabing pam-publikong transportasyon.