Commitment ng Kamara na punan ang kakulangan sa pondo para sa implementasyon ng free higher education, pinapurihan
- Published on September 27, 2025
- by @peoplesbalita
PINAPURIHAN ni ACT Teachers Partylist Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio commitment ng Kamara na punan ang kakulangan sa pondo para sa implementasyon ng free higher education, na isang tagumpay sa mga state universities and colleges sa buong bansa.
“Matagumpay na naitulak natin ang pagbayad nang buo sa P12.3 billion Free Higher Education deficiency from 2022-2025!” pahayag ni Tinio matapos ang deliberasyon ng Kamara sa panukalang budget ng Commission on Higher Education and State Universities and Colleges.
Nakakuha ng pondo ang Kamara para tugunan ang utang sa nasa 124 state universities and colleges sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Law.
“Kailangan talagang suportahan nang buo ng national government ang pangako ng libreng edukasyon sa kolehiyo, unang-una sa mga state universities and colleges,” pahayag pa ni Tinio.
Ang nasabing kakulangan ay naipon mula 2022 at kailangang mabayaran upang magpatuloy ang free higher education.
Nagawa ng Kamara na mare-allocate ang pondo mula sa DPWH flood control budget, na ₱255 billion at ilang bahagi nito ang na redirect sa education at health programs.
“We seized this unique opportunity in the 2026 budget deliberations to finally address this persistent funding gap that has burdened our SUCs for years,” paliwanag ni Tinio. (Vina de Guzman)