COMELEC HINAMON MGA KANDIDATO NA MAGSAMPA NG REKLAMO
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
HINAMON ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ituloy ng mga kandidato ang kanilang unang naging pahayag na magsampa ng kaso sa Comelec ukol sa nangyaring pagbabaklas ng mga campaign posters sa loob ng bakuran ng kanilang tagasuporta.
Ayon sa Comelec, dito umano magkakaroon ng linaw ang isyu.
“Bukas ang Comelec,sa pagrere-evaluate ng guidelines na ‘yan, sa pagtitingin ulit ng mga polisiya at mga prinsipyo na sinusunod natin”, pahayag ni Jimenez.
Pero of course kung gusto niyong magkaso that is perfectly well within their rights”, anang tagapagsalita ng Comelec.
Sa ngayon ayon sa Comelec ay wala pa namang naghahainan ng kaso laban sa mga ilegal poster materials.
Samantala, nanindigan naman ang Comelec na ipatutupad pa rin ang resolution no.10732 hanggang walang nagsasampa ng reklamo laban sa panuntunan kaugnay sa in person campaign. (GENE ADSUARA)