CLINICAL TRIAL SA AVIGAN, HINDI PA NASISIMULAN
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa nasisimulan ang clinical trial ng nati flu drug na Avigan na itinuturing na maaring lunas sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.
Una nang inihayag ng DOH na dapat sanang simulan ang clinical trial ng Avigan noong Agosto 17 ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa ilang mga usapin gaya sa budget.
Kabilang sa mga hospital kung saan isasagawa ang trial ay ang Philippine General Hospital, Sta.Ana. Hospital, Quirino Memorial Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center.
Pero ang PGH pa lamang ang nakapagproseso ng mga kinakailangan dahil ala pang aprroval ng ethics committee para sa tatlong pang ospital na hanggang ngayon ay inaayos pa.
Ayon kay vergeire, inaasahang sa Setyembre ay masisimulan na ang clinical trial sa Avigan drug dahil kailangan pa aniya ng maaprubahan ng ethics committee at Food and Drug Administration sa mga nakatapos ng kinakailangang proseso. (GENE ADSUARA)