• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CLAUDINE, puring-puri ng netizens sa trailer ng reunion movie nila ni MARK ANTHONY

FINALLY, maipalalabas na ang Deception ang much-awaited reunion movie nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na ihahatid ng Viva Films at Borracho Productions.

 

 

After 25 years, muling nagkasama sina Claudine at Mark sa pelikula na matagal na nilang wini-wish na matupad.

 

 

“Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, yung ang napansin ko,” say ni Mark.

 

 

Tugon naman ni Clau, “Working with Mark is very easy and we really have a good rapport.

 

 

Ngayong January 28, alamin ang mga katotohanan sa likod ng kasinungalingan sa upcoming Vivamax original movie, mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

 

 

Ang Deception ay isang drama-mystery movie na kung saan iikot ang kuwento kina Rose (Claudine) isang sikat na aktres at ni Jericho (Mark Anthony) na isa namang stunt double, na na-in love sa isa’t-isa at nagpakasal.

 

 

Sa pagsisimula ng kanilang pamilya, nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Thomas. Kung titingnan, isa na itong maayos na pamilya na puno ng pagmamahal, pero ang inaakalang isang masayang pamilya na may magandang kinabukasan ay unti-unting masisira.

 

 

Maaakusahan si Rose sa salang pagpatay sa kanyang asawa at makukulong ng 10 taon. Sa pagkakakulong ni Rose at pagkamatay ni Jericho, ang kanilang anak ay dadalhin sa bahay ampunan.

 

Sa paglaya ni Rose, susubukan niyang magsimula ulit at buuin ang mga bagay na nawala sa kanya, isa na rito ang paghahanap sa kanyang anak. Pero sa pagbabagong-buhay, lalantad ang lahat ng kasinungalinang sumira sa kanyang buhay.

 

 

Samantala, naniniwala si Mark na ang Deception ang isa sa pinakamagandang movie na ginawa nila ni Claudine, kaya naman marami ang nag-aabang sa muli nilang pagtatambal para malaman kung totoo ang sinasabi ng dating kasintahan ni Claudine.

 

 

Sa trailer, puring-puri naman ng ilang netizens ang tinaguriang Optimum Star, dahil hindi pa raw kumukupas ang husay nito sa pag-arte.

 

 

Para na rin itong birthday presentation ni Mark na magsi-celebrate ng 43rd birthday sa January 18, at ito ang next movie niya after ng House Tour na last year na pinalabas din sa Vivamax at naging maganda naman ang pagtanggap ng viewers online.

 

 

Tuloy na tuloy naman ang pagkandidato ni Claudine bilang konsehal ng Olongapo City, kaya magiging abala siya sa mga susunod na buwan para mangampanya at nangako naman si Mark na tutulong ito.

 

 

Mapapanood ang Deception na mula sa direksyon ni Joel Lamangan simula ngayong January 28 sa Vivamax na nakaabot na ng 2 million subscribers bago pa ito mag-one year sa January 29.

(ROHN ROMULO)