CHINESE NATIONAL, BINARIL SA LOOB NG ELEVATOR, PATAY
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ngayon ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) sa suspek na bumaril at pumatay sa isang 50-anyos na negosyanteng Chinese national sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Manila kamakalawa ng hapon
Namatay noon din ang biktima na si Wen Dun Chen, 50, negosyante at nakatira sa Mandarin Square, 777 Ongpin St., Binondo, Maynila
Sa ulat ng MPD, dakong ala- 1:45 ng hapon ng naganap ang pamamaril sa Sunjoy building 525 Lvazares St., Binondo, Maynila.
Ayon naman sa testigong si Freddie Boy Yacob, elevator operator, inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants at may taas na 5’6 hanggang 5’7 , katamtaman ang pangangatawan..
Sa inisyal na imbestigasyon ng MPD, sinabi ni Yacob na nasa ikalawang palapag na sila ng gusali ng biktima nang paputokan ang suspek sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.
Matapos ang pamamaril, mabilis aniyang tumakas ang suspek
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD homicide section sa insidente. (GENE ADSUARA)