Chiefs makakaharap ang Eagles sa Super Bowl
- Published on January 29, 2025
- by Peoples Balita
PASOKĀ na sa Super Bowl ang Kansas City Chiefs at Philadelphia Eagles.
Gaganapin ang paghaharap ng dalawa sa darating na Pebrero 9 sa New Orleans.
Tinalo kasi ng Chiefs ang Buffalo Bills 32-29 sa AFC Championship games.
Bumida sa Chiefs si quarterback Patrick Mahomes na nagtala ng dalawang touchdowns.
Kapag manalo sila ay ito na ang pangatlong sunod na Super Bowl title sa kasaysayan ng Chiefs.