• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin

KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong EneĀ­ro, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang lugar sa Pilipinas.

 

 

Karamihan sa mga naturang unibersidad ay nasa National Capital Region (NCR) at Calabarzon, na parehong nakakapagtala ng mga mataas na bilang ng mga bagong kaso ng sakit.

 

 

Mayroon pang 123 unibersidad ang nakatakda na ring magdeklara ng academic break sa mga susunod na araw.

 

 

Marami aniya sa mga ito ang nagdesisyon na sa Pebrero na lamang muling magbubukas ng limited face-to-face classes.

 

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni de Vera na hindi naman na kinakailangang magdeklara ng nationwide academic break dahil ang mga unibersidad ay may diskresyon na pansamantalang ipatigil ang kanilang mga aktibidad.