Celtics coach aminadong humina ang opensa noong Game 4
- Published on June 16, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI ikinaila ni Boston Celtics coach Ime Udoka na nagkaroon ng mahinang opensa ang kaniyang koponan kaya naitabla ng Golden State Warriors sa 2-2 ang kanilang best of seven Finals.
Sinabi nito na nag-eenjoy na sana sila sa isang panalo para makuha ang kampeonato kung hindi lamang mahina ang opensa nila noong Game 4 kaya nakuha ng Warriors ang panalo 107-97.
Ilan sa mga nakita nitong problema ay ang hindi nila sinamantal ang key scoring opportunities at ang pagkakaroon ng maraming turnovers.
Ipinagpasalamat na lamang nito dahil sa tabla sa 2-2 ang serye nila at hindi sila bagsak sa 0-2 o 1-2.
Pagtitiyak nito na kaya nilang manalo sa Game 5 dahil sa nagawa nilang talunin ang Warriors sa kanilang homecourt.