• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cebu-bound flights na-divert dahil sa kakulangan ng quarantine facility

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang rerouting ng overseas flights na “initially bound” sa Cebu patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Maynila ay isinagawa dahil sa kakulangan ng quarantine hotels para sa mga magbabalik na Filipino.

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bilang tugon sa ulat na nagkaroon ng paglihis ng flights sa Mactan airport tungong NAIA mula Mayo 29 hanggang Hunyo 5 para mapigilan ang COVID-19 transmission.

 

“Wala naman po sigurong defiance. Ang nangyari po kasi sa Cebu, naubusan po talaga sila ng hotel ‘no at ngayon lang po naaprubahan ng DOT na magkaroon ng mixed use sa kanilang mga hotels,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ni-require naman ng pamahalaan ang 14-day quarantine para sa lahat ng mga magbabalik na overseas Filipinos.

 

“They are subjected to an RT-PCR COVID-19 test on the seventh day in quarantine since new variants of coronavirus tend to be detectable after a few days since the individual got infected with it,” ayon sa ulat.

 

“So habang inaayos lang po natin iyong arrival protocols at nagsara na ng dalawang araw iyong Cebu International Airport dahil wala nga po silang mga hotels na paglalagyan ng mga dumarating na OFWs at mga Overseas Filipinos. Habang inaayos po iyan ay iri-reroute muna mga flights,” ani Sec. Roque.

 

“Panandalian lang po iyan at inaasahan natin na maayos na iyong sistema at magkakaroon ng sapat na hotel rooms diyan sa Cebu,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Dahil sa temporary closure, sinabi ni Sec. Roque na ang mga magbabalik na overseas Filipinos ay kailangan na sumailalim at tapusin ang 14-day quarantine sa Maynila. (Daris Jose)