• June 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Carly abala sa gym

KAHIT hindi pa nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball dahil sa pitong buwang Covid-19, todo pakondisyon niya si Carlota ‘Carly’ Hernandez ng Marinerang Pilipina Lady Skippers.

 

Pinaskil sa Instagram story nitong isang araw, ang kondisyong porma at hubog ng katawan ng 21-anyos, 5-5 ang taas na dalagang taga-Sta. Rosa, Laguna sa isang hindi lang sinabing pangalan at lugar ng gym.

 

May gym equipments ginagamit ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) buhat sa FEU Lady Tamaraws para mapanatili ang kaseksihan.

 

Katulad ng ilang atleta, tutok din si Hernandez sa kanyang pagwo-workout para sakaling magbalik na ang liga’y hindi na mahihirapang maghabol sa kanyang wastong porma. (REC)