Canelo Alvarez humirit ng rematch kay Dmitry Bivol
- Published on May 10, 2022
- by @peoplesbalita
HUMIRIT agad ng rematch si Mexican boxer Canelo Alvarez matapos na talunin siya ni Dmitry Bivol ng Russia.
Nakuha kasi ni Bivol ang unanimous decision sa kanilang light heavyweight title figh ni Alvarez na ginanap sa Las Vegas.
Sa simula ng laban ay determinado ang 31-anyos na Russian boxer na manalo sa mas matangkad na apat na pulgadang si Alvarez.
Ito na ang pangalawang pagkatalo ni Alvarez na ang una ay noong 2013 ng talunin siya ni Floyd Mayweather.
Dahil sa panalo ay napalawig ni Bivol ang 20-0 record niya na mayroong 11 knockouts habang si Alvarez ay mayroong 57 panalo, dalawang talo, dalawang draw at 39 KO.
Labis naman ang kasiyahan ni Bivol dahil sa tinalo niya ang isang boxing champion kung saan malaki ang respeto nito sa kaniya.
Si Alvarez ay kasalukuyang super middleweight champion at umakyat sa light heavyweight.