• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cancer Care sa Quezon City, pinaigting ng LGU

HIGIT pang pinaigting ng Quezon City­ ­local government ang pangangalaga sa mga may sakit na cancer sa lungsod kasunod ng pakiki­pagsanib puwersa nito sa City Cancer Challenge (C/Can).
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang hakbang ay malaking tulong para sa mga may sakit na cancer dahil layon nitong palakasin pa ang equitable, accessible, at high-quality cancer care.
“This partnership with City Cancer ­Challenge is a significant step toward strengthening our collective response to cancer. By working closely with local and international partners, we aim to make quality cancer care more accessible and equitable for every Filipino,” pahayag ni Belmonte.
Ang paglagda sa kasunduan ng magkabilang panig ay sinaksihan ng Philippine Cancer ­Society at Quezon City Health Department kasabay ng paggunita ng World Cancer Day.
Batay sa national data, pangalawa ang cancer na sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino at nangunguna rito ang lung, liver, breast, colorectal, at prostate cancers.
Bilang isang economic hub, malaki ang ambag ng Quezon City sa innovative, locally adapted at sustainable cancer care solutions na maaaring magsilbing model sa ibang siyudad.
Nakikipag-ugnayan ang C/Can sa mga low and middle-income countries para mapalakas ang local health systems at makapagtatag ng sustainable, community-driven solutions.
Dahil sa pakikipagtulungan ng C/Can sa private and public sectors, kasama na ang mga hospitals, health authorities, healthcare professionals, civil society organisations, at pasyente; mas madali na nitong matutukoy ang priority needs, designing, implementing practical, long-term, at localized solutions para sa sakit.