Caloocan-Manila connector, bukas na sa motorista, toll libre pa
- Published on March 31, 2023
- by @peoplesbalita
BINUKASAN na nitong Miyerkules ng hatnggabi ang 5-kiĀlometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila.
Wala pang sisingiling toll ang NLEX sa mga motorista para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito.
Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Caloocan, sa halip na 30 minuto.
Malaking kaginhawaan umano ito at magiging alternatibong ruta para sa mga trackers na umiiwas sa masisikip na main road sa loob ng metropolis.
Nabatid na malaking tulong dinĀ ang pagbubukas nito ngayong linggo para sa inaasahang dami ng bibiyahe sa papalapit na Semana Santa.
Iaanunsyo pa ng NLEX kung kailan magsisimulang sumingil ng toll fee sa bagong bukas na daan. (Daris Jose)