• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan LGU, nagsagawa ng seminar tungkol sa bomb threat

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, katuwang ang Philippine National Police – Explosive Ordinance Disposal (EOD) Unit at Canine Group ng seminar tungkol sa bomb threat management, identification, detection, at first responder protocols.
Ayon kay Mayor Along Malapitan, inorganisa ang aktibidad kasunod ng mga ulat ng bomb threat na target ang Caloocan City Hall at ilang pampublikong paaralan sa lungsod noong Oktubre 15, 2025.
Kasama sa mga kalahok ang mga tauhan mula sa Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), gayundin ang mga security staff at DRRM marshals na nakatalaga sa City Hall.
Sinabi ni Malapitan na layon ng seminar na pahusayin ang kahandaan, palakasin ang koordinasyon, at tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at publiko sa kaganapan ng mga katulad na banta. (Richard Mesa)