Caloocan LGU, nagbigay ng 2 bagong fire trucks sa BFP-Caloocan
- Published on October 13, 2025
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ng dalawang bagong fire trucks sa Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) upang makatulong sa kanilang pagresponde sa mga sunog at sakuna para maprotektahan ang mga buhay at ari-arian.
Pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang turnover at blessing ng dalawang fire trucks, kasama sina BFP-NCR Regional Director FCSupt. Jaime D. Ramirez, City Fire Marshal FSupt. Jacky L. Ngina, at City Chaplain Service Chief FSupt. Efren B. Balistoy. (Richard Mesa)