Business venture nila ni Rhea, malaking tulong sa mental health: MAJA, naluha nang tanungin tungkol sa mag-iinang nasunog
- Published on May 26, 2025
- by @peoplesbalita

Ayon sa balita, inatake raw diumano ng depresyon ang ina na siya raw sumunog sa tatlong anak bago silaban ang kanyang sarili.
Aminado si Maja na tulad ng karamihan lalo na yung mga bagong ina pa lang, nakaranas din siya ng postpartum depression nang ipanganak si Maria, ang panganay nila ni Rambo Nuñez.
“Hindi ko po pinanood. Actually, it’s my hormones, hindi ko po kaya,” na unti-unti nang naiyak.
“Ang sakit kasi talaga no’n, never ko…well, narinig ko pa lang, binasa ko pa lang, naisip ko, parang ‘wag kuhanin ang anak ko.
“Lalo na ngayon, Maria is turning one, ang prayer ko talaga, sana, sana, 100 years or many, many years. Hindi ko kayang manood about babies. Lalo na ‘yung isa, nagpanggap na doctor, my gosh, oh my gosh talaga.”
Naikuwento rin ni Maja, na hindi niya makontrol ang emosyon sa ilang okasyon at pagkakataon.
Hindi pala biro ang pinagdaanang ni Maja sa panganganak kay Maria sa Canada na kung saan 30 hours siyang nag-labor dahil sa laki raw ng anak.
“Mahaba ang pasensiya ko before, tapos biglang parang maliit na bagay, parang pumipitik ka. Parang, ‘sino ‘yon?’ Hindi ako ‘yon.’
“And then, buti na lang yung husband mo (Rambo), pamilya mo, nandu’n. Relax, take a deep breath. Kung ano yung napi-feel mo, it’s fine. Ang daming nangyari sa ‘yo, hindi biro,” kuwento niya.
Nagka-problema rin siya sa pagbi-breastfeed kay Maria dahil after eight months ay wala nang gatas na lumalabas sa kanya. Lahat naman ay ginawa niya, para dumami pero wala talaga kaya na-depress din siya.
Kaya nag-decide siya siyang bumalik sa pagdyi-gym at pagda-diet.
At heto nga at kitang-kita na kanyang pinaghirapan, dahil labas-labas na ang kanyang kaseksihan sa photos para sa newest business venture, ang Majeskin calming body scrub, body lotion at body wash may dalawang scent, milk and chamomile.
Under ito REIgning MAJAsty Corporation. Ito ang bagong negosyong itinayo nila ng CEO at presidente ng Beautéderm Corporation na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
Wala naman itong conflict sa kontrata ni Maja sa Beautederm na kare-renew lang last March, 2025.
Say pa ni Ms. Rei, “noong kinuha si Maja noong 2021, sinabi niya sa akin na gusto niya ng body care, kaya pang-face siya sa Beautederm.
“Kaya four to five years ang aming hinintay, bago pa siya ikasal. Sabi ko nga, para talaga ito kay Maja ang araw na ito.
“Hindi lang kami mag-ninang, siya ay ang aking ading (younger sister). Kaya ang trust ko sa kanya, hindi ako nagdalawang isip. Ngayon ay isa na siyang nanay at isa na ring momprenuer.
“Kaya I’m so proud of my baby.”
Ayon pa kay Maja, malaki rin ang naitulong sa kanyang mental health ng latest business venture nila ng kanyang kaibigan at ninang sa kasal na si Ms. Rei.
“Itong Majeskin, isa lang itong pangarap. So, dream come true talaga. Ang dami kong idea, pero hindi ko nagagawa. Natatakot ako, but with the help nga of my husband, mga kaibigan ko and my Manang Rei, ito na nga siya,” masaya nang pahayag ni Maja.
Available na Majeskin this week sa lahat ng Beautederm branches nationwide.
(ROHN ROMULO)