• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buo ang suporta ni Speaker Romualdez sa partnership ng DepEd sa SBFI at SBC sa pagabay sa mga principals ng public schools upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon 

NAGPAHAYAG ng buong suporta si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa partnership ng Department of Education (DepEd) sa Security Bank Foundation Inc. (SBFI) at Security Bank Corporation (SBC) sa pagabay sa mga principals ng public schools upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ayon sa Leyte solon, importante na mabigyan ng dagdag kaalaman ang mga Filipino public school principals sa advanced leadership and management skills, na maipapasa naman nila sa mga guro at sa mga estudyante.
“Napakahalaga ng ganitong pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang baguhin at paunlarin ang ating edukasyon. Kapag pinalakas natin ang kakayahan ng ating mga punong-guro, mas mapapalakas din natin ang kinabukasan ng ating mga kabataan,” anang mambabatas.
Pinapurihan nito si Education Secretary Sonny Angara sa kanyang pamumuno sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Marcos para sa advancement ng quality education sa pamamagitan ng Public-Private Partnership programs.
Noong nakalipas na linggo, lumagda ang DepEd sa isang memorandum of agreement sa SBFI at SBC para palawigin ang principal mentoring program sa ilalim ng Mentoring Future Leaders for Nation-Building Program. Sakop ng MOA ang suporta sa school infrastructure projects sa buong bansa.
Ngayon taon, 29 school principals mua sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kasama sa mentoring program, na tatakbo ng tatlong taon.
Ang Security Bank ay nag-invest ng P1.9 billion sa education sector, kabilang na ang P237 million noong 2024.
Sa flagship na “Build a School, Build a Nation Program,” nakapagpatayo ng 845 classrooms sa 145 schools sa 86 siyudad at municipalities simula 2011, nakapagpagawa ng 449 classrooms, nakapagtrained ng mahigit 36,000 teachers, at nakapag-mentor ng mhigit 170 school principals sa buong bansa.
(Vina de Guzman)