• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 11:54 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa kanyang kaibigan na si Ashley: SHUVEE, natulungan din ni ANTHONY sa pinagdaanan na ‘family issues’

BUKOD sa tulong ng kaibigang si Ashley Ortega, isa rin daw na nakatulong kay Shuvee Etrata na mag-heal mula sa mabibigat na family issues na pinagdaanan ay ang manliligaw at Sparkle actor na si Anthony Constantino, na tinulungan siyang mapalapit sa Diyos.
Kuwento ni Shuvee: “Marespeto at talang mabait si Anthony. Mabait po talaga si Anthony. Nu’ng time naman po… feeling ko kasi hindi lang friends ‘yung makakatulong sa iyo, it’s also God. ‘Yung pagdadala niya sa akin sa church ang laking bagay nun kasi minsan ‘yung Sunday I would rather just rest. ‘Yung time na mini-make effort niya talaga ako para dalhin do’n.”
Ikinuwento rin ni Shuvee ang panliligaw ni Anthony at ang respetong ibinibigay sa kanya ng binata.
“‘Yung sa amin po talaga ni Anthony totoo siya, nagliligawan po talaga kami. Nandyan na siya January pa. Yes, we are pursuing our relationship pero nandoon pa rin na ayaw kong ma-commit, natakot po akong maging in a relationship.
“Pero siya naman binibigay niya sa akin ‘yung time na ‘yon and then nililigawan niya talaga. Respectful talaga,” dagdag pa niya.
(RUEL J. MENDOZA)