Buhos na agad ang projects sa simula ng 2026… ALDEN, may serye kasama si NADINE bukod pa sa medical drama
- Published on January 16, 2026
- by @peoplesbalita
NAPAKABONGGA ng taong 2026 sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Aba, tinapos n’ya ang taon na may pasabog na isang international o Hollywood film na isa siya sa mga bida at producer via Myriad.
At ngayong January naman, halos pagkagaling niya sa kanyang US vacation noong New Year at birthday n’ya, ang pagbabalik ng “Stars on the Floor” on its second season na si Alden pa rin ang host.
Excited si Alden sa pagbabalik ng “Stars on the Floor” sa February dahil bukod sa mga P-Pop ang mga dance contestants, may twist din ngayon na kunsaan, pwede silang mamili ng partner o mag-swap.
Unlike dati na from start to end, walang palitan ng partner. So, siguradong may emosyon na iiral sa segment na ‘yon. Makakasama na rin nila si Rayver Cruz bilang isa sa mga judges.
Eh, bukod dito, lumabas na ang mga pictures nina Alden at Nadine Lustre. Gagawa sila ng series under VIU, ang “Love, Siargao.”
Bukod pa rito ang “Code Gray” na medical drama ni Alden sa Kapuso network.
Thankful naman si Alden at sabi nga n’ya, bubuhusan muna n’ya ng atensiyon ang mga ganito pa rin opportunities na dumarating. Alam rin n’ya na pwedeng sa mga susunod, wala na.
***
Statement noon ni Liza tungkol sa toxic loveteam, biglang nag-matter
BIGLANG nag-matter sa mga fan o netizens ang naging statement noon ni Liza Soberano tungkol sa toxic loveteam sa Pilipinas.
Sa X account ni Liza, napa-post ito at tila nako-confuse kung bakit ang dami raw na nagso-sorrry sa kanya.
Kahit naman nga siguro sino magugulat na pagbukas mo ng social media mo, may mga nagso-sorry sa kanya.
So yun nga ang pinanggagalingan. Dahil sa recent event kunsaan, tumanggap si Bianca de Vera ng nga hate messages kaya sinasabing naiyak na rin ito sa isang pa-block screening ng MMFF movie nila.
Sabi ni Liza, “Why are people saying sorry to me? I’m so confused.”
May mga sumagot kay Liza at ipinaliwanag dito na noon, may mga nag-cancel sa kanya dahil sa naging statement niya about loveteam at sa loveteam nila ni Enrique Gil.
“Well thank you I guess hehe. I never really got to expound on why I personally think it’s “dangerous” to be in a love team so it makes sense people got offended. They didn’t fully understand where I was coming from.”
Bakit ba feeling namin, nag-mellow si Liza ngayon? huh!
(ROSE GARCIA)