Budget ng PCO, pinadagdagan upang tulungan laban sa fake news
- Published on September 12, 2025
- by @peoplesbalita

Bilang pangunahing communications agency ng gobyerno, sinabi ni Yamsuan na dapat magsilbi ang PCO sa forefront sa pagbibigay sa publiko ng tamang information at itama ang pekeng balita at disinformation na kumakalat sa social media ukol sa gobyerno.
Dapat din aniyang mabigyan ang PCO ng karagdagang resources para sa mga programa nito sa digital media, na kadalasang ginagamit ngayon para sa balita at impormasyon.
“You have to inform Congress of all the things that you need to be effective, to effectively communicate with the people. Paano tayo makikipaglaban [against fake news] kung wala tayong bala,” pahayag ni Yamsuan sa representante ng PCO sa isinagawang briefing ng House Committee on Public Information.
Sinabi ni PCO Assistant Secretary Jose Maria Villarama II na ang kanilang tanggapan ay “makes do with the funding” sa pondong ibinigay sa ilalim ng national budget. Ang alokasyon ng PCO para sa digital media initiatives a ilalim ng panukalang spending plan para sa 2026 ay P16 million.
(Vina de Guzman)