• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BRP TERESA MAGBANUA, GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA

GAMITIN  sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa  Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia.

 

 

Sinabi ni  PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, ng  PCG Marine Environmental Protection Command, na ang nasabing barko ay gagamitin sa  “sovereign patrol” at palakasin ang maritime border security ng bansa.

 

 

Ayon kay Patrimonio, nagbigay ng direktiba si PCG Admiral Artemio Abu sa mga barko na muling magpatrolya sa WPS , sa Benham Rise.

 

 

Dagdag pa, ang BRP Teresa  Magbanua aniya ay handa na maghatid ng mga kalakal at tao sakaling magkaroon ng maritime incident o anumang sakuna.

 

 

Sa ngayon ang BRP Teresa Magbanua at ilan pang barko ng PCG ay naglalayag na patungong Makassar,Indonesia para lumahok sa Marpolex 2022 na gaganapin sa May 22 hanggang 29.

 

 

Makakasama ng PCG sa aktibidad ang Directorate General of Sea Transportation (DGST) ng Indonesia at Japan Coast Guard (JCG).

 

 

“Ang kahalagahan nito ay ang mapagtibay at paghandain iyong tauhan natin at saka iyong mga tauhan ng Indonesia in case of any transboundary oil spill,” sabi ni Patrimonio

 

 

Ayon pa sa opisyal, ang  “interoperability” nang  barko ng PCG ay masusubok din sa panahon ng pagsasanay.

 

 

Nitong Lunes ay isinagawa ang send-off ceremony para sa BRP Teresa Magbanua bago naglayag para sa  Marpolex 2022.

 

 

Kasama rin sa pagsasanay ang  BRP Gabriela Silang, BRP Malapascua, at BRP Cape Engaño ng PCG. (GENE ADSUARA)