• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxing, posibleng pasok pa rin sa 2028 Olympics matapos kilalanin ng IOC ang World Boxing

Kinilala na ng International Olympic Committee ang World Boxing bilang pansamantalang mamamahala sa mga susunod na international boxing event.
Una nang pinutol ng IOC ang connection nito sa International Boxing Association (IBA) dahil sa ilang financial at ethical issues, kasama na ang ilang problema sa pamamahala.
Ang IBA ang dating namamahala sa amateur boxing sa loob ng mahabang panahon.
Kasabay nito, sinabi ng IOC na nagawa ng World Boxing na ipakita ang kagustuhan nitong pagbutihin ang sistema ng pamamahala at sumunod sa ‘appropriate standards’.