BOOSTER SHOT PARA SA 12-17 EDAD, OKAY NA SA DOH
- Published on June 22, 2022
- by @peoplesbalita
APRUBADO na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng unang Pfizer booster para sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Ito ang kinumpirma ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Martes sa media viber group nang tanungin kung aprubado na nga ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng nasabing booster shot na Pfizer.
Ayon kay Vergeire, binabalangkas na ng DOH ang guidelines nito at sa lalong madaling panahon ay mailalabas na.
“Yes,guidelines are being drafted already by DOH , sabi ni Vergeire .
Maalala na ang paggamit o pagtuturok ng Pfizer vaccine para sa booster shots ng nasabing age group ay inirekomenda ng Health Technology Assessment Council o HTAC kay Duque.
Ang Emergency Use Authorization o EUA para sa Pfizer bilang booster shot sa mga nabanggit na menor-de-edad ay inamyendahan ng Food and Drug Administration o FDA . (GENE ADSUARA)